Home NATIONWIDE Child at sexual abuse case mababasura lang – kampo ni Quiboloy

Child at sexual abuse case mababasura lang – kampo ni Quiboloy

QUEZON CITY— Kumpiyansa ang kampo ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy na madidismiss ang kasong child at sexual abuse na isinampa laban sa pastor sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 106.

Dumalo sa pagdinig noong Miyerkules ang mga abogado ni Quiboloy, ngunit naantala muli ang pre-marking ng mga ipinakitang ebidensya.

“Hindi pa tapos. As you know meron tayong mabibigat na dokumento na mamarkahan kaya na-reset ito sa ibang araw pero within the month of October” ayon kay Atty. Israelito Torreon, legal counsel para kay Quiboloy.

Kumpiyansa silang maaabsuwelto ang pastor, katulad ng kaso na na-dismiss noon ng Davao City Prosecutor’s Office noong 2020.

“Kailangan mong matanto na ang mga kasong ito ay na-dismiss na ng tanggapan ng [Davao] City Prosecutor noong nakaraan. Ngunit ang mga ito ay binuhay lamang noong kasagsagan ng imbestigasyon ng senado ni Sen. Risa Hontiveros. Meron silang sariling version, pero we have stronger version which will prove the innocence of Pastor Apollo C. Quiboloy,” ani Torreon.

“Oo. Hangga’t sumisikat ang araw sa Silangan, naniniwala kami sa kanyang kawalang-kasalanan,” dagdag niya. RNT