Home HOME BANNER STORY China Coast Guard vessel namataan malapit sa Bajo de Masinloc; BRP Teresa...

China Coast Guard vessel namataan malapit sa Bajo de Masinloc; BRP Teresa Magbanua dineploy ng PCG

315
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na dineploy na nila ang BRP Terese Magbanua matapos makita ang China Coast Guard (CCG) vessel 4305 malapit sa Bajo de Masinloc.

Sa isang pahayag, sinabi ng PCG spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela na ang BRP Teresa Magbanua ay patuloy na nagpapadala ng mga radio challenge sa barkong Tsino.

Ang CCG ship ay nasa 42.77 nautical miles sa timog-silangan ng Bajo De Masinloc at 103.15 nautical miles sa timog-kanluran ng Capones Island, Zambales.

Ayon kay Tarriela, ang presensya ng BRP Teresa Magbanua ay para masiguro ang suporta sa mga mangingisdang Pilipino upang makapagpatuloy sila nang ligtas at malaya nang walang takot, harassment at panghihimasok.

Ang Bajo de Masinloc ay nasa 124 nautical miles sa baybayin ng Masinloc, Zambales, at nasa loob ng 200-nautical-mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ang mga bahagi ng South China Sea na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas ay pinalitan ng pangalan bilang West Philippine Sea upang patibayin ang pag-aangkin ng bansa.

Ang West Philippine Sea ay tumutukoy sa mga katubigan sa kanlurang bahagi ng kapuluan ng Pilipinas kasama ang Luzon Sea at ang mga katubigan sa paligid, sa loob, at katabi ng Kalayaan Island Group at Bajo de Masinloc.

Noong 2016, ang Permanent Court of Arbitration sa The Hague ay pumabor sa Pilipinas laban sa mga pag-aangkin ng Tsina sa South China Sea, na sinasabi na ito ay “walang legal na batayan.” Tumanggi ang Tsina na kilalanin ang desisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here