Home NATIONWIDE China ‘di pwedeng magpatupad ng trade sanctions sa Pilipinas – analyst

China ‘di pwedeng magpatupad ng trade sanctions sa Pilipinas – analyst

MANILA, Philippines – Mas mawawalan ang China sa oras na magpatupad ito ng economic sanctions sa Pilipinas, sa kabila ng territorial disputes sa South China Sea, ayon sa isang political analyst nitong Sabado, Marso 9.

Sinabi ni University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea director Jay Batongbacal na mapapasubo ang China kung papasok ito sa trade war sa Pilipinas.

Ani Batongbacal, Beijing ang pinaka-nakikinabang sa trade ties nito sa Manila, lalo pa’t karamihan ng mga consumer ng manufactured products nito ay mga Filipino.

“Madali po ‘yun sabihin pero tingnan natin kung ano ang pruweba ‘no. Totoo ba na kumbaga kung ititigil ng China ang trade niya sa atin eh babagsak ang ekonomiya?” sinabi ni Batongbacal.

“Wala pa tayong nakikitang pruweba na kaya ng China na talagang i-sanction tayo economically.”

Inalala niya na nagtamo ng ‘grave repercussions’ ang China nang magpatupad ito ng trade restrictions sa mga produkto mula Australia.

Noong 2020, hinarang ng China ang pag-import ng Australian commodities, katulad ng coal, timber at barley, matapos na ipanawagan ng Australia ang imbestigasyon sa pinagmulan ng COVID-19.

Ayon kay Batongbacal, mabilis na matutugunan ng Estados Unidos at Japan, na largest trading partners ng bansa, ang trade gao sa China. RNT/JGC

Previous articleDOH nangako ng mas maayos na serbisyo sa women’s health
Next articlePaslit nalunod sa irrigation canal sa Negros