Home METRO Paslit nalunod sa irrigation canal sa Negros

Paslit nalunod sa irrigation canal sa Negros

MANILA, Philippines – Nalunod ang siyam na taong gulang na bata sa irrigation canal sa Purok Lopues, Barangay Dulao, Bago City, Negros Occidental nitong Biyernes, Marso 8.

Ayon sa pulisya, kasama ng biktima ang nanay nito na maligo sa irrigation canal, nang bumalik ito sa bahay para tugunan naman ang pangangailangan ng isang-taong gulang na anak.

Pagbalik ng nanay sa irrigation canal ay hindi na nito makita ang anak.

Kalaunan ay narekober ang katawan ng biktima sa Purok Paho, Barangay Dulao, may 1.5 kilometro ang layo mula sa kanilang bahay.

Dinala sa Bago City Hospital ang biktima ngunit idineklara na ring patay.

Naniniwala ang nanay ng biktima na posibleng tinangay ng malakas na daloy ng irigasyon ang kanyang anak. RNT/JGC

Previous articleChina ‘di pwedeng magpatupad ng trade sanctions sa Pilipinas – analyst
Next articleKelot itinumba sa kalsada