Home METRO Kelot itinumba sa kalsada

Kelot itinumba sa kalsada

ILOCOS SUR- Tigok ang isang 34-anyos na lalaki matapos pagbabarilin sa Sitio Sagsagat, Brgy. Cuantacla, Cabugao, ng lalawigang ito umaga ng Sabado, Marso 9.

Kinilala ng Cabugao Municipal Police Station ang biktima na si Jerwin Inofinada y Rodrigo, may asawa, residente ng Brgy. Carusipan, ng naturang bayan.

Bumibiyahe sa provincial road sa naturang lugar ang biktima na nakasakay ng Yamaha Ego Solariz motorcycle nang sundan at pagbabarilin ng nakamotorsiklong suspek o mga suspek.

Ang biktima na nagtamo ng multiple gunshot sa kanyang katawan ay agad na isinugod sa Pira Clinic and Hospital ng mga rumespondeng MDRRMO rescuer.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad para alamin kung ano ang motibo sa krimen at para tuklasin kung sino o sino-sino ang mga salarin. Rolando S. Gamoso

Previous articlePaslit nalunod sa irrigation canal sa Negros
Next articleDagdag na pumping station pinasinayaan sa Navotas