MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Coast Guard na sila at ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay hinarass ng Chinese Coast Guard (PCG) habang nagsasagawa ng operasyon sa Rozul Reef noong Huwebes, Abril 4.
Sinabi ng PCG na ibinababa ng kanilang mga tauhan at ng BFAR ang mga floating aggregate device nang dumating ang dalawang CCG vessels (21551 at 21556) na siyang “usual interdictors” sa supply operation sa Ayungin Shoal at nagsimulang mangharass sa bangkang gamit na pangisda ng mga Filipino.
Ayon sa PCG, ang mga sasakyang pandagat ng CCG ay nagtangka sa mga mangingisdang Filipino gamit ang water cannon.
Sinabi ng PCG na ang pinakabagong ‘unlawful behavior’ ay nagpakita ng layunin ng China na alisin sa mga Filipino ang kanilang mga karapatan na ma-access ang mga mapagkukunan sa ating Exclusive Economic Zone.
Binigyan-diin ng PCG na ang Rozul Reef ay matatagpuan sa layong 128 nautical miles mula sa Palawan na saklaw pa rin ng Philippine EEZ.
Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines – Western Command, noong nakaraang taon ay may mga kaso ng talamak na coral harvesting sa Rozul (Iroquois) Reef ng Chinese militia vessels sa West Philippine Sea. Jocelyn Tabangcura-Domenden