Home ENTERTAINMENT Liza, pinabilib ang American blogger!

Liza, pinabilib ang American blogger!

Manila, Philippines – Napabilib ni Liza Soberano ang isang Amerikanong blogger na humarang sa kanyang daraanan sa US.

Nope, Liza wasn’t walking down the streets of Rodeo Drive in Beverly Hills, USA kundi nagmamaneho!

The Filipina actress who left the country to chase her Hollywood dream was sighted driving an expensive car around.

BMW 18 lang naman ang minamaneho ni Liza.

Upon checking, nagkakahalaga ang nasabing sasakyan ng US$150,000 o mahigit 10 million when converted to peso.

Ang siste, while staying focused on the road ay hinarang si Liza ng isang Amerikano blogger.

Hindi naman niya ‘yon isang tagahanga but a blogger who features expensive cars bilang subject ng kanyang mga blogs.

Kuning-kuning pa ngang “never heard” sa afam ang bansang Pilipinas dahil mas pamilyar daw ito sa Manila.

The height of “geographical ignorance,” tinanong pa ng blogger kung ang Manila raw ba’y natatagpuan sa Pilipinas.

Too good to be true nga ang kawalan ng kaalaman ng blogger who features expensive cars, ‘di ba naman?

Anyway, sa pag-uusisa ng afam ay natuklasan niya siyempre kung sino ang hinarang niya sa kalsada.

Nang malaman niyang Liza is an actress from the Philippines ay humingi pa ito ng payo.

As in career advice dahil bet din daw pala ng bloggerna maging artista!

Naki-ride on naman si Liza at pinakitunguhan ang blogger.

Ang payo niya rito: “Just be true to yourself and be willing to take risks!”

Ewan nga lang kung nang-eechos na rin si Liza sa echoserong blogger cum showbiz aspirant. Ronnie Carrasco III