Home NATIONWIDE Chinese ambassador Jing Quan bumisita sa NBI

Chinese ambassador Jing Quan bumisita sa NBI

189
0

MANILA, Philippines – Kasabay ng panawagan ng ceasefire sa “word war” sa pagitan ng mga opisyal ng Pilipinas at China, bumisita si Chinese Ambassador Jing Quan sa National Bureau of Investigation (NBI).

Noong Enero, matatandaan na tumindi ang tensyon sa mga opisyal dahil sa aksyon ng China sa West Philippine Sea.

Nasa 15 senador ang pumirma ng resolusyon na kumukondena sa naging pahayag ng Chinese Embassy laban sa mga opisyal ng Pilipinas na inilarawan nila bilang “contrary to accepted standards of diplomatic conduct and mutual respect between states.”

Sa kabila nito, nanawagan si Senador Erwin Tulfo ng ceasefire at sinabing kailangan huminahon para magbigay-daan sa negosasyon sa pagbuo ng Code of Conduct (COC) sa South China Sea.

Batay sa Facebook post na may petsang Pebrero 3, sinabi ng Chinese Embassy na “both sides agreed to maintain close communication and coordination, to jointly combat transnational crime, to provide more convenient and efficient services for Chinese citizens in the Philippines.”

Idinagdag pa nito na ang dalawang panig ay nagkasundo to “advance practical cooperation across various fields.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here