CEBU CITY- PINAGTATAGA patay ang isang ginang ng kapitbahay na umano’y adik sa iligal na droga dahil umano sa tamang hinala na nililibak ito, iniulat kahapon, Pebrero 4 sa lungsod ng Alonguisan.
Kinilala ang biktimang si Myrna, 40, purok lider habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Josely, 43, drug surrenderer, at kapwa residente ng Barangay Punay, ng nasabing lungsod.
Batay sa report ng Aloguinsan Police Station, bandang 11:30 AM ng Pebrero 3, 2026 naganap ang krimen sa naturang lugar.
Sa pahayag ng saksi na si Carmelita Yares, nagtungo sa kanilang bahay ang biktima para ilista ang mga ito sa ayuda na ipamamahagi ng nagdaang bagyong Tino.
Sunod naman dumating ang suspek sa kanilang bahay at hinanap ang ina nito at sumagot naman ang biktima na hindi nila alam.
Dito, mabilis na hnugot ng suspek sukbit nitong itak at pinagtataga ang biktima na tinamaan katawan at sa kabila ng mga tama at nagawa pa nitong makatakbo.
Subalit, hinabol pa rin siya ng suspek at ng maabutan ay pinagtataga sa leeg, dibdib at iba pa ang parte ng katawan na naging sanhi ng agarang kamatayan.
Dagdag pa ng mga kapitbahay, hindi na nilang nagawa pang tulungan ang biktima sa takot na sila rin ang pagbalingan dahil sa nanlilisik ang namumulang mata ng suspek.
Nahaharap ngayon sa kasong pagpatay ang suspek at sinabing hindi nito pinagsisihan ang ginawang krimen. Mary Anne Sapico