MANILA, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pekeng anti-rabies vaccines.
Ayon sa FDA, ang mga ito ay maaaring magdulot ng banta sa kalusugan.
Kasabay nito ay nagpaalala ang ahensya na bumili lamang sa mga establisyimentong lisensyado ng nila.
Sa abiso, sinabi ng FDA na ang Anti-Rabies Serum (Equine) (Equirab) 200 IU/mL (1000 IU/5mL) Solution for Injection (I.M./S.C.) ay legally registered drug ng ahensya.
Ang Equirab ay isang anti-rabies serum na nagbibigay ng passive immunization laban sa rabies.
Samantala, nagbabala naman ang FDA sa pagbebenta ng pekeng gamot na labag sa ilalim ng Food and Drug Administration Act of 2009 at Special Law on Counterfeit Drugs. RNT/JGC