Home NATIONWIDE Comelec bigong makakuha ng dagdag na pondo sa special election sa 2nd...

Comelec bigong makakuha ng dagdag na pondo sa special election sa 2nd district ng Antipolo

193
0

MANILA, Philippines – Kailangang magre-align o kumuha ng pondo sa savings ng Commission on Elections para lamang matuloy ang gagawing special election sa 2nd District ng Antipolo.

Ito ay matapos na mabigo ang komisyon na makakuha ng dagdag pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Ayon kay Comelec Chairman Atty. George Garcia, P11 milyon lang ang aprubadong budget para sa pagdaraos ng special election pero P98 milyon aniya ang kailangan ng poll body.

Dahil diyan, wala umanong magagawa ang komisyon kundi gumawa ng paraan sa pamamagitan ng realignement ng pondo.

Samantala, ngayong araw ng Huwebes, Pebrero 5 ay magsisimula na ang tatlong araw para sa filing ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kakandidato.

Isasagawa ang special election sa nasabing distrito matapos pumanaw at mabakante ni dating Rep. Romeo Acop ang puwesto. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here