MANILA, Philippines – Maaari nang idaan sa Bicameral Conference Committee at agad na matalakay bilang priority bill ang panukalang pag-alis sa travel tax, ayon kay House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos.
Ayon kay Marcos, ang panukala ay mayroon nang suporta mula sa Department of Finance (DoF) at kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.
Sinabi ni Marcos na may pulong siya kay Finance Secretary Frederick Go na sumusuporta sa panukala habang si Zubiri ay nagpahayag na maghahain din ito kahalintulad na panukala sa Senado.
Sa oras na maihain ang bersyon ng panukala sa Senado ay isusulong na ng Kongreso sa administrasyon na maging priority measure ang pag-alis ng travel tax.
“We will both push for the inclusion of the bill abolishing the travel tax in the LEDAC priorities. So hopefully magiging prioridad na ‘yan ni Pangulo, and we will make sure to pass it as soon as possible,” paliwanag ni Marcos.
Sinabi ni Marcos na isa ang pagtanggal sa travel tax para lumakas ang turismo.
“We need to boost local and international tourism, and travel tax is not the way to do it. So hopefully, makakatulong po ito sa ating mga kababayan, and of course, to all our visiting tourists,” paliwang ni Marcos. Gail Mendoza