Home METRO Chinese arestado sa panunutok ng baril sa Makati; nakuhanan pa ng high-tech,...

Chinese arestado sa panunutok ng baril sa Makati; nakuhanan pa ng high-tech, military-grade gadgets

MANILA, Philippines – Inaresto ang isang Chinese national matapos manutok ng baril sa Makati City.

Bukod dito, nakuhanan din ito ng high-tech at military-grade gadgets.

Kabilang sa mga nakuha ng pulisya mula sa lugar kung saan naaresto ang Chinese national ay iba’t ibang gadget, equipment set na may circuit boards, portable power station, military-grade drone, high-powered firearm, at bundle ng P1,000 bills.

“According to him ay nag iisa siya dito. But why is it na meron siyang mga ganung gadgets despite na he’s living alone,” pagbabahagi ni Police Lt. Col. Imelda Reyes, spokesperson ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group.

“Wala tayong ganung ibang gamit na meron siya. So therefore, we have to tap the experts to validate bakit why is it na mayroon siyang ganitong gamit and for what kind of operation itong gamit nya,” dagdag ni Reyes.

Kasalukuyang nasa CIDG-NCR Custodial Center ang suspek bagamat nahihirapan ang pulisya na gisahin ito dahil hindi ito marunong magsalita ng Ingles.

Ayon sa suspek, anim na taon na siyang nasa bansa at nagtatrabaho sa POGO.

Tumutulong na ang Armed Forces of the Philippines sa imbestigasyon at nakipag-ugnayan na rin ito sa Chinese Embassy sa Manila. RNT/JGC