Home NATIONWIDE Davao Occidental niyanig ng M-5.0 na lindol

Davao Occidental niyanig ng M-5.0 na lindol

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Jose Abad Santos, Davao Occidental nitong Biyernes ng umaga, Mayo 31.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tumama ang lindol 6:54 ng umaga at tectonic in origin.

May lalim itong 97 kilometro.

Naramdaman ang Intensity I ng lindol sa Kiamba, Malungon, at Glan sa Sarangani; maging sa Digos City, Davao del Sur.

Wala namang naitalang pinsala o nasaktan sa lindol bagamat posible ang aftershock kasunod nito. RNT/JGC