Home NATIONWIDE Chinese coast guard boats ‘nanghimasok’ sa Taiwan waters; binalaan

Chinese coast guard boats ‘nanghimasok’ sa Taiwan waters; binalaan

TAIPEI- Nagbabala ang Taiwan nitong Sabado sa Chinese coast guard ships na pumasok sa restricted waters nito malapit sa frontline islands na kalapit din ng China, sa patuloy na pag-igting ng tensyon sa sensitibong Taiwan Strait.

Ayon sa coast guard nito, apat na Chinese coast guard boats ang pumasok sa restricted waters ng Taiwan-controlled Kinmen islands nitong Sabado. Inihayag din ng Taiwan na nanatili ang Chinese boats sa loob ng mahigit isang oras matapos silang paalisin ng Taipei authorities.

Inaangkin ng China ang democratically-governed country bilang teritoryo nito, sa kabila ng pagtutol ng isla. Pinaigting nito ang military activities malapit sa Taiwan sa mga nakalipas na taon.

“You have entered our country’s restricted waters. Please turn around immediately,” apela ng opisyal ng isla sa isang broadcast message sa radyo sa kanilang Chinese counterparts, batay sa footage na inilabas ng Taiwan coast guard nitong Sabado.

“The move has seriously impacted traffic and safety. To avoid triggering naval incidents we urge them to stop such behaviors,” pahayag ng coast guard ng Taiwan.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang China coast guard ukol dito. RNT/SA

Previous articleChristine Bermas, binigay ang lahat sa boylets!
Next article#WalangTubig sa ilang lugar sa NCR sa March 18-20