Home METRO Chinese crew na naputalan ng daliri sinagip ng PCG

Chinese crew na naputalan ng daliri sinagip ng PCG

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng medical evacuation ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa Chinese crew na naputulan ng daliri sa karagatan ng Antique.

Sinabi ng PCG na ang 35 anyos na second engineer ng Hong Kong-flagged bulk carrier MV BBG Qinzhou ay aksidenteng naputol ng fan blade na nagresulta ng lubhang sakit.

Mula Nansha, China, ang MV BBG Qinzhou ay patungo sa Tanjung Bara, Indonesia nang mangyari ang insidente sa layong 20.69 nautical miles west ng Semirara Port nitong Huwebes ng umaga.

“In coordination with the captain and vessel’s agent, the PCG deployed BRP Kalanggaman to the rendezvous area at 1.5 nautical miles of Nogas Island, Anini-y, Antique,” sabi ng PCG.

“The Coast Guard vessel safely evacuated the patient at around 6PM,” idinagdag pa.

Four PCG medical personnel gave medical assistance to the injured Chinese crew while on the way to Muelle Loney Wharf in Iloilo City, according to the PCG.

Apat na medical personnel ng PCG ang nagbigay ng tulong medikal sa mga sugatang Chinese crew habang papunta sa Muelle Loney Wharf sa Iloilo City, ayon sa PCG.

Pagdating sa pantalan, ibinalik ng PCG ang Chinese crew sa ahente ng barko na siyang nag-asikaso sa kanyang transportasyon sa pinakamalapit na ospital para sa medikal na atensyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)