Home NATIONWIDE Pagbili ng mas maraming fighter jets inaprubahan ni PBBM

Pagbili ng mas maraming fighter jets inaprubahan ni PBBM

MANILA, Philippines – INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang planong bumili ng mas marami pang multi-role fighter jets.

Iyon nga lamang, walang ibinigay na iba pang detalye si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Romeo Brawner Jr. sa kung anong klase ng fighter jets ang idaragdag sa fleet ng AFP.

“Definitely, the President has already approved that intention to buy multi-role fighter jets. As to which one, wala pa hong decision. As to how many, wala pa hong narating na desisyon dito,” ayon kay Brawner.

“But kailangan po natin talaga itong mga multi role fighters,” aniya pa rin.

Sinabi pa ni Brawner na hindi pa rin sapat ang bilang ng mga naturang assets.

“Pero kulang pa ho ito para madepensahan natin yung ating bansa so we need to get more of these jet fighters and multi-role fighters,” ang tinuran ni Brawner.

“The multi-role fighters are actually bigger, faster and more lethal than the FA50s that we have now,” aniya pa rin.

Nauna rito, sinabi ni Brawner na kailangan na i-update muna ng AFP ang kanilang radar system at surveillance systems sa ilalim ng Horizon 3 phase ng modernization program.

Mayroon pa kaniyang ilang items at programa na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakokompleto sa ilalim ng Horizon 1 at 2.

“The procurement, training, and arrangement of facilities are ongoing,” ang sinabi ni Brawner.

Matatandaang, nanawagan ang National Security Council (NSC) sa Kongresso at sa Senado na suportahan ang mga programa na magpapabilis sa modernisasyon ng militar.

Sa isang kalatas, sinabi ni National Security Adviser Sec. Eduardo Año na inaasahan niya na maglalaan ang lehislatura ng kinakailangan pondo para sa Horizon III ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program, bilang pagsuporta sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC).Sa ganitong par

aan aniya ay mas mahusay na magagawa ng AFP na tutukan ang territorial defense at pangangalaga sa integridad ng bansa.

Ang pahayag ay ginawa ng kalihim kasunod ng paglabas ng resulta ng “Tugon ng Masa” survey para sa unang kwarter ng 2024, kung saan 68 porsyento ng respondent ang sumusuporta sa patuloy na modernisasyon ng AFP para mas epektibong maipagtanggol ang bansa sa panlabas na agresyon. Kris Jose