Home METRO Columbiano dinakip sa P8.5M liquid cocaine sa Makati

Columbiano dinakip sa P8.5M liquid cocaine sa Makati

MANILA, Philippines – INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang nagsilbing consignee ng 1,608 gramo ng Liquid Cocaine na tinatayang nagkakahalaga ng P8,522,400.00 noong Hunyo 25, 2024.

Ayon sa BOC, ang nasabing kontrabando ay idineklarang bilang “Clothing Remindershat capi product” na dumating noong Hunyo 21, 2024, ay sumailalim sa X-ray Inspection Project (XIP) at K-9 sniffing na nagpapahiwatig ng posibleng pagkakaroon ng illegal substance.

Dahil dito, nagsagawa ng pisikal na pagsusuri sa nasabing kargamento kung saan nadiskubre ang tatlong plastik na bote ng madilaw-dilaw na likidong substance. Isinailalim ang mga sample sa field testing na posibleng pagkakaroon ng “Mixture of PET Plastic, Ephedrine and Ethyl Benzoate, Cyclohexyl Fentanyl, Controlled Product: Opioid”.

Pagkatapos noon, ang mga sample ay inilipat sa PDEA para sa Chemical laboratory analysis na nagkumpirma na ang nasabing mga substance ay naglalaman ng Cocaine, isang mapanganib na gamot sa ilalim ng R.A. No. 9165.

Isang Warrant of Seizure and Detention ang inisyu laban sa subject shipment dahil sa paglabag sa Section 118 (g), 119 (d), at 1113 par. f, I, at l (3 at 4) ng R.A. No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa R.A. No. 9165.

Sa isang controlled delivery operation noong Hunyo 25, 2024 ng BOC-Clark at PDEA sa Makati City, isang 32-anyos na Colombian national ang inaresto. Ang suspek ay sumasailalim sa custodial investigation ng PDEA para sa paglabag sa R.A. 9165 na may kaugnayan sa RA 10863. Jay Reyes