Home HOME BANNER STORY Chinese envoy ipinatawag ng DFA kasunod ng insidente sa Ayungin

Chinese envoy ipinatawag ng DFA kasunod ng insidente sa Ayungin

MANILA, Philippines- Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs nitong Martes ang China’s deputy ambassador upang magprotesta laban sa agresibo at mapanganib na aksyong isinagawa ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia laban sa Philippine routine resupply mission para sa mga sundalong Filipino sa Ayungin Shoal.

Sa nasabing pulong, kinondena ng DFA ang “interference with the Philippines’ routine and lawful activities in its own exclusive economic zone,” ng China at tinawag ang mga aksyon nitong “unacceptable.”

Ayon sa Pilupinas, labag ang mga aktibidad ng China sa Ayungin Shoal, kilala rin bilang Second Thomas Shoal, sa “Philippines’ sovereign rights and jurisdiction.” RNT/SA

Previous articleKontaminadong tubig, food-borne illness cases sa gitna ng El Niño binabantayan ng DOH
Next articlePH Navy: Sitwasyon sa WPS ‘di na normal sa agresyon ng Tsina