MANILA, Philippines- Sumadsad ang isang Chinese fishing vessel ilang kilometro lamang mula sa Pag-asa Island, bahagi ng Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea noong Sabado ng hapon sa gitna ng mabagyong kondisyon ng panahon.
Ang barko ay iniulat na sumadsad habang lowtide at kalaunan ay hinila ng dalawang pang Chinese fishing vessel ayon sa lokal na pamahalaan ng Kalayaan Island Group.
Isang residente ng KIG ang nag-upload ng larawan na nagpahayag ng pagdududa kung aksidenteng sumadsad ang barko o kung ito ay sinadya.
Ang insidente ay nag-udyok sa mga awtoridad na rumesponde, kung saan ang Philippine Coast Guard ay nag-deploy ng kanilanwersa upang suriin ang barko.
Samantala, nagtungo si Defense Secretary Gilberto Teodoro noong weekend sa Balabac, Palawan upang inspeksyunin ang lokasyon ng planong airbase at naval station.
Ang Balabac, Palawan ay isa sa mga lokasyon ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa pagitan ng Pilipinas at United States, na nagbibigay ng access sa militar ng US sa mga base ng Pilipinas para sa magkasanib na pagsasanay, kasama ang humanitarian at disaster relief efforts.
Ayon sa opisyal, dito dumaraan ang Chinese vessels at kapag hindi nagkaroon ng presensya dito ay napakadaling abusuhin ng foreign influence at iba pang ilegal na aktibidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden