Home NATIONWIDE Chinese militia ships sa WPS mababawasan sa masamang panahon

Chinese militia ships sa WPS mababawasan sa masamang panahon

MANILA, Philippines – Mababawasan ang bilang ng mga barko ng Chinese maritime militia (CMM) sa West Philippine Sea sa mga susunod na buwan dahil sa masamang panahon.

Ayon kay Navy spokesperson Commodore Roy Vincent Trinidad nitong Martes, Hunyo 11, ang presensya ng CMM ay “dictated” ng ilang mga dahilan katulad ng panahon.

“The weather affects all players and claimant countries, not only China, Vietnam and the Philippines,” ani Trinidad sa isang press conference.

Aniya, nasa 108 CMM vessels ang namataan sa ilang maritime features ng West Philippine Sea mula Hunyo 4 hanggang Hunyo 10.

Sa nagbabadyang La Nina weather phenomenon, lalo pa itong magdadala ng malalakas na pag-ulan at matataas na alon sa mga dagat sa Southeast Asia. RNT/JGC