Home NATIONWIDE Number coding suspendido sa June 12 – MMDA

Number coding suspendido sa June 12 – MMDA

MANILA, Philippines – Suspendido ang number coding traffic scheme bukas, Hunyo 12 bilang pagdiriwang ng Independence Day.

Sa abiso sa Facebook, hinimok ng Metropolitan Manila Development Authority ang publiko na makilahok sa iba’t ibang aktibidad na inilatag sa Quirino Grandstand at Rizal Park sa Manila simula Hunyo 10 hanggang Hunyo 12.

Inabisuhan naman ang mga motorista na planuhin ang kanilang magiging mga ruta patungkol dito.

Bago rito ay nag-anunsyo na ang MMDA ng mga isasarang kalsada kasabay ng selebrasyon ng Araw ng Kalayaan. RNT/JGC