Home NATIONWIDE POGO ‘di pa ikinokonsiderang ‘national threat’ ng PH Navy

POGO ‘di pa ikinokonsiderang ‘national threat’ ng PH Navy

MANILA, Philippines – Hindi pa ikinokonsidera ng Philippine Navy (PN) na banta sa national security ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa kabila ng sunod-sunod na mga raid sa POGO hubs kung saan isinasagawa ang mga illegal na aktibidad.

Ang pahayag na ito ni PN Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad ay kasunod ng apela ni Senador Risa Hontiveros sa National Security Council (NSC) na irekomenda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ikonsidera nang national threat ang mga POGO.

“We haven’t yet reached that point. The moment we get there, there will be appropriate announcements to be made,” pahayag ni Trinidad sa media briefing ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Aniya, tinitingnan din ng mga awtoridad ang mas malalim na koneksyon ng POGO sa iba pang mga paglabag na higit pa sa mga karaniwang krimen.

“The moment they violate, not only the POGOs, but the moment any establishment violates the rules and regulations of the land, there will be appropriate sanctions that the government may impose upon them,” sinabi ni Trinidad.

Sa paglusob ng mga awtoridad sa POGO hub sa Porac, Pampanga, nadiskubre ng mga awtoridad ang mga uniporme ng Chinese military sa naturang lugar.

Isa sa mga nakumpiskang digital camouflage uniforms ay may butones na may inisyal na “P.L.A.” na hinihinalang nangangahulugang People’s Liberation Army, armed organization ng Chinese Communist Party (CCP) at ang principal military force ng People’s Republic of China.

Nitong Martes, sinabi ng AFP na ang mga uniporme ay posibleng ginagamit lamang na props ng mga POGO worker sa kanilang mga illegal na online transaction.

“The limited number of PLA (People’s Liberation Army) uniforms found suggests they are more indicative of use in deceptive activities rather than any preparation for an invasion,” ani AFP spokesperson Colonel Francel Padilla.

Kasunod ng executive session ng Senate women, children, family relations, and gender equality committee sa mga ahensya ng pamahalaan noong nakaraang linggo, sinabi ni Hontiveros na umaasa siyang tutugon si Marcos sa panawagan na ideklara ang POGO bilang isang national threat.

“Hopefully ay dinggin ng NSC ang aming panawagan at diniggin din ni Presidente na pag-aralan ang POGO kung ito ba ay national security threat at kung ‘yan ang mabuong opinyon ay sana umaksyon si Presidente laban sa POGOs,” sinabi ni Hontiveros.

Samantala, iba naman ang pananaw ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III kaugnay nito sa pagsasabing:

“We don’t even need to go that far and involve national security,” sabay-sabing ang mga POGO ay dapat nang ipagbawal sa iba’t ibang mga paglabag nito laban sa national interest ng bansa. RNT/JGC