MANILA, Philippines – Nilamon ng apoy ang bodega ng mga delivery package ng isang online shopping platform sa Barangay Vitalez, Parañaque City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, sumiklab ang sunog 11:32 ng umaga nitong Martes, Hunyo 11 na umabot sa ikatlong alarma.
Karamihan sa mga laman ng bodega ay mga sapatos na gawa sa goma dahilan para mas lumaki pa ang apoy.
“Mahirap po [apulahin] gawa ng goma. At the same time, sarado po siya, wala po kami ventilation sa taas,” pahayag ni Genesis Teodosio, fire chief ng Barangay Vitaez sa panayam ng ABSCBN News.
“Rubber po ‘yong mga sapatos, mahirap patayin, lalo pa ‘yong iba, nadaganan, hindi maabot sa ilalim kaya usok nang usok,” dagdag pa niya.
Wala namang nasaktan sa insidente. Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog. RNT/JGC