Home ENTERTAINMENT Jolina, pinuri si Carlo, isinuka ng mga netizen!

Jolina, pinuri si Carlo, isinuka ng mga netizen!

Manila, Philippines- Umaatikabong boljak ang inabot ni Jolina Magdangal mula sa mga netizens matapos niyang puri-purihin sa Carlo Aquino.

Isa kasi sa mga invited guests ang host ng Magandang Buhay sa kasal ng aktor kay Charlie Dizon nitong June 9.

Pagmamalaki kasi ni Jolina kay Carlo, “mabait” ito at “mapagmahal sa pamilya.”

Open book na isa nang ganal na ama si Carlo even before he married Charlie.

May anak siya named Mithi kay Trina Candaza.

Giit ng mga netizens na kumukuwestyon sa papuri ni Jolina, ano raw ba ang naging basehan nito to say such?

Maalalang naging kontrobersyal ang palihim munang pakikipagmabutihan ni Carlo kay Charlie despite their sightings together last year.

Nakuha pa ni Trina ang public sympathy dahil umano sa kawalan ng sense of responsibility ni Carlo when it comes to his support for their child.

Given this, ayon sa mga netizens: what makes Jolina say nice things about Carlo?

Dahil doon ay isinusuka ng mga netizens si Jolina.

Bilang babae rin daw tulad ni Trina, nasaan ang empathy ng TV host?

So far, nananatiling NR o no reaction si Jolina pero hindi pa rin burado ang mga banat sa kanya sa social media.

Isa rin kasing ipinupuntos laban kay Carlo ay ang ‘di nito pagkuha kay Mithi bilang flower girl.

Sa isang banda, posible rin daw na gusto sana ni Carlo na maging bahagi ang anak ng kanyang wedding entourage.

But what if ayaw pumayag ni Trina na pati ang inosenteng bata ay “kinakasangkapan” pa sa relasyon ng ama nito?

Ang mas nakakawindang kung nagkataon ay ang imbitahan si Trina sa kasal, when she was supposed to be in Charlie’s shoes, ‘di ba? Ronnie Carrasco III