Home METRO Chinese national laglag sa shabu sa condo

Chinese national laglag sa shabu sa condo

MANILA, Philippines – Arestado ang isang Chinese national sa pag-iingat ng illegal na droga sa drop-off area ng Shore 2 Residence Tower 2, Seaside Road, Barangay 76, Pasay City, nitong Lunes, Pebrero 24.

Nakumpiska sa suspek na kinilalang si alyas Li ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang tumitimbang ng 5.5 gramo; at isang puting iPhone 13 .

Sa talaan ng pulisya, isang “HAMAD” na delivery rider ang inatasan ng kanyang employer na ipick-up ang P5,000 mula sa suspek.

Nang dumating si Hamad sa drop-off area, iniabot ni alyas Li ang maliit na blue box na may label na “Hydro Acid Human Lubricant.”

Nang buksan ng rider ang kahon upang iverify ang laman nito, tumambad ang plastic sachet na may white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu, at tumitimbang ng humigit kumulang na 5.5 gramo na may estimated street value na P37,400.00.

Nang ikompronta ni Hamad, tinangkang tumakas ni Li pero naharang at naaresto ng security guard na si alyas Michael sa drop-off area ng Shore 2 Residence Tower 2, sa isang sikat na complex sa Barangay 76, Pasay City.

Sa tala ng pulisya, ang insidente ay iniulat sa Sub-Station 10 (MOA) dakong 3:50 ng hapon ng kaparehong araw.

Sumailalim ang suspek sa physical examination sa Pasay City General Hospital na makaraan nito ay dinala sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU), Pasay City Police Station para sa pagsasampa ng kaulang kaso sa piskalya na paglabag sa Sect 11 Article II ng RA 9165 mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Dave Baluyot