Home NATIONWIDE Chinese nat’l, arestado sa ilegal na negosyo sa Zambo

Chinese nat’l, arestado sa ilegal na negosyo sa Zambo

145
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na natuklasang nagpapatakbo ng negosyo sa Zamboanga del Sur nang walang wastong mga dokumento.

Kinilala ni Immigration Commissioner Joel Anthony M. Viado ang dayuhan na si Jianhong Liu, 52, na inaresto noong Enero 20 sa Barangay Sampaguita sa bayan ng Buug.

Ayon kay Viado, nadatnan si Jianhong sa isang commercial establishment kung saan siya umano ang manager at aktibong nakikipagtransaksyon sa mga kostumer.

Bago ang kanyang pag-aresto, sinabi ng BI na digital copy lamang ng kanyang pasaporte ang naipakita ni Jianhong at iginiit na naiwan umano ito sa Maynila.

Matapos ang beripikasyon, napag-alaman na lumabag siya sa mga batas ng imigrasyon ng Pilipinas.

Pinaalalahanan ni Viado ang mga dayuhan na “while the Philippines remains open to legitimate foreign visitors and investors, our laws must be respected at all times.”

Binalaan din niya na ang mga dayuhang gumagawa ng mga aktibidad na lampas sa pinahihintulutan ng kanilang visa o bigong magpakita ng balidong travel documents ay haharap sa kaukulang aksyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here