Home TOP STORIES Chinese nat’l nasagip ng buhay sa tunnel sa Nepal

Chinese nat’l nasagip ng buhay sa tunnel sa Nepal

1
0

KATHMANDU, Neapl – Isang Chinese national ang buhay na nasagip mula sa isang tunnel sa Nepal noong Sabado, Setyembre 5, sampung araw matapos ang malakas na pagguho ng yelo, bato at putik sa isang lambak sa Himalayas na ikinasawi ng mahigit 1,300 katao.

Ayon sa Nepali Army, nasagip si Lu Haitao mula sa loob ng 225-meter tunnel sa Upper Trishuli-1 Hydropower Project. Siya ang ikatlong taong buhay na nakuha mula sa iba’t ibang tunnel na pinaniniwalaang kinaroroonan ng nasa 900 katao matapos ang pagguho ng glacier noong Agosto 26.

Noong Biyernes, dalawang tao rin ang buhay na nasagip mula sa isa pang tunnel sa Upper Trishuli 3A Hydropower Station.

Walang nakitang malubhang sugat kay Lu at stable ang kanyang vital signs, ngunit nakitaan siya ng bahagyang hypothermia. Isinakay siya sa helicopter at dinala sa army hospital para sa karagdagang gamutan.

Samantala, sinabi ng disaster management authority na umabot na sa 1,344 ang namatay sa baha sa Nepal, habang 4,887 ang nawawala, kabilang ang 583 dayuhang nationals, marami sa kanila ay mga pilgrim at trekker.

Sa Tibet, iniulat naman ng China na 31 ang namatay at 531 ang nawawala, kabilang ang mga dayuhan.

Isang babae, si Chandika Kumari Shrestha, ang nailigtas din mula sa kanyang bahay sa Betrawati noong Sabado.

Patuloy naman ang pag-asa ng pamilya ni Ishwor Poudel, 34, na kabilang sa mga manggagawang pinaniniwalaang nakulong sa tunnel ng Hakubesi Hydroelectric Project.

Ayon sa kanyang kapatid na si Krishna, huli niyang nakausap si Ishwor noong Agosto 26, bago siya pumasok sa tunnel. Sinabi umano nito: “I’m trapped inside the tunnel.”

Wala nang naging komunikasyon mula noon, ngunit sinabi ng mga nakaligtas mula sa parehong tunnel na buhay pa si Ishwor at narinig nila ang tinatayang 200 hanggang 300 katao na humihingi ng tulong mula sa loob. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here