ARESTADO ang 2 Chinese at 3 Pinoy na pinaniniwalaang mga espiya na
naglilibot sa Metro Manila kabilang na sa Malacañang. Narekober mula
sa kanila ang mga surveillance equipment tulad ng IMSI (International
Mobile Subscriber Identity) catcher na nakakakuha ng mga sensitibong
impormasyon at data sa mga nadadaanan nilang lugar. CESAR MORALES
BANGKOK/MANILA- Nagbigay umano ng donasyon ang apat na Chinese na inaakusahan ng Pilipinas ng pag-eespiya sa pamumuno ng Chinese Communist Party-affiliated groups ng cash sa isang lungsod sa Pilipinas at mga sasakyan sa dalawang police forces, ayon sa mga larawan, mga video at online posts, base sa ulat.
Kabilang sila sa limang kalalakihang Chinese na ikinulong ng Philippine investigators noong Enero dahil sa umano’y pangangalap ng mga imahe at mapa ng Philippine naval forces malapit sa South China Sea.
Nagpalipad ng drone ang limang kalalakihan upang mag-espiya sa navy ng Pilipinas, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), idinagdag na natagpuan nito ang mga larawan at mapa ng mga sensitibong site at vessels sa kanilang mga cellphone. Sinabi ng isang senior NBI official sa Reuters na kinasuhan ang mga banyaga ng espionage, na may prison term hanggang 20 taon.
Ang apat na kalalakihan ay mga pinuno ng civic groups na pinangangasiwaan ng foreign influence network ng Chinese Communist Party (CCP), batay sa review ng Reuters sa mga artikulo at multimedia na ipinost ng dalawang grupo at ng Philippine media.
Giit naman ng China’s foreign ministry, hinihimok ng China ang mga mamamayan nito na tumalima sa local laws at ang civic groups “spontaneously formed and self-managed by the relevant Chinese citizens … have no affiliation with the Chinese government”.
Tatlo umano sa apat na kalalakihan ang nagbigay ng donasyon sa lungsod ng Tarlac at sa police forces sa pamamagitan ng Chinese-backed groups noong 2022 at nagpatuloy sa pagtanggap ng mga opisyal sa mga event noong 2024. Hindi pa natutukoy ng Reuters ang rason para sa mga donasyon.
Sa kasalukyan ay wala pang komento ang China’s Ministry of Foreign Affairs at Manila embassy nito ukol dito. RNT/SA