MANILA, Philippines- Nanguna ang graduate ng Mapua University-Manila sa February 2025 Sanitary Engineer Licensure examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).
Nakakuha si Kiomit Manny Gimang Buloron ng percentage rating na 85.56 upang mamayagpag sa 195 examinees na kumuha ng Sanitary Engineers Computer-Based Licensure Examination na ibinigay ng Board of Sanitary Engineering sa National Capital Region, Davao, at Rosales sa Pangasinan.
May kabuuang 138 examinees ang pumasa sa pagsusulit. RNT/SA