Manila, Philippines- May kasabihan ngang “When it rains, it pours.”
At sa kaso ng kauna-unahang Asian at Filipino grand champion ng The Voice US na si Sofronio Vasquez, daluhong na masasabi ang nangyayari sa kanya.
Excited kasing inanunsyo ni Sofronio ang mga petsa at lugar na pagtatanghalan niya sa abroad.
Partikular ‘yon sa Amerika, North America, Australia at UAE.
Narito ang lineup ng kanyang mga aabangang performance.
March 15, Bal Theatre sa San Francisco, USA.
March 29, Hiram Johnson Auditorium, Sacramento.
April 8, Manila International Film Festival, The Beverly Hilton, Los Angeles.
April 25, Petrus Hall, Winnipeg, Canada.
May 2, Rajveer Hall, Calgary, Canada.
May 9, Riverside Hall, Vancouver, Canada.
May 23, World Trade Center, UAE.
June 14, The Stanley Theatre, Utica, New York.
July 19, The Townhall, New York.
July 25, Sydney Coliseum, Sydney, Australia..
July 26, Voice TBA, Melbourne.
Bukod sa excited daw si Sofronio ay kinakabahan din siya.
Pero umaasa siyang mapapawi ito sa buhos ng suporta, hindi lang mula sa ating mga kababayang nakabase sa mga lugar na ‘yon kundi maging ang foreign audience.
Continue to make us proud, Sofronio! Ronnie Carrasco III