MANILA, Philippines — Lalabanan ng Chinese-Taipei ang Gilas sa ikatlong FIBA Asia Cup qualifying window sa Taipei Heping Gymnasium ngayong Huwebes na may dalawang bagong manlalaro.
Ihaharap ng host nation sina 6-2 Mohammed Al Bachir Gadiaga at 7-foot Brandon Gilbeck na mangunguna sa paghihiganti sa Pilipinas.
Noong Pebrero ng nakaraang taon, dinurog ng Gilas ang Chinese-Taipei, 106-53, sa unang qualifying window sa PhilSports Arena. Ngunit hindi naglaro sina Gadiaga at Gilbeck.
Balak ng Chinese-Taipei na bawian ang Gilas sa rematch at pinaghadaan nila ito ng todo.
Si Gadiaga, 26, ay ipinanganak sa Chiba, Japan, sa isang Senegalese na ama at Amerikanong ina. Lumaki siya sa Taipei, nag-aaral sa New Taipei Municipal Dan Feng High School, Taipei City Municipal Taishan Senior High School at Shih Hsin University.
Sa Taiwan league, ang isang dayuhan na nag-aral sa isang domestic school ay karapat-dapat na maglaro bilang isang lokal.
Binigyan ng FIBA si Gadiaga ng eksepsiyon na maglaro sa Chinese-Taipei bilang lokal dahil sa kanyang background sa edukasyon.
Naglaro si Gadiaga sa Taiwan mula 2021-22 hanggang 2023-24 pagkatapos ay lumipat sa Akita Northern Happinets sa Japan B-League ngayong season. Kasama siya sa Chinese-Taipei team na umabot sa 2023 Hangzhou Asian Games semis, na may average na 13.9 puntos.
Si Gilbeck, 28, ay nakakita ng aksyon sa Western Illinois University pagkatapos ay naglaro sa Denver sa NBA Summer League bago nagsimula sa isang globetrotting career na huminto sa Denmark, Italy, Canada at sa huli, Taiwan noong 2021.
Si Gilbeck ay sumabak ng dalawang laro para sa Chinese-Taipei sa FIBA Asia Cup qualifiers, na may 11.5 puntos at 8.5 rebound.
Inaasahang tatawag pa ng tatlong manlalaro si Chinese-Taipei coach Gianluca Tucci, 54, na hindi pa nakaharap ng Gilas noong nakaraang taon.
Ang reinforcements ay sina 6-0 Ying Chun Chen, 6-7 Chien Hao Ma at 6-5 Long Mao Ha. Nag-coach si Tucci sa Italy mula 1997 hanggang sa kinuha niya ang Chinese-Taipei noong nakaraang taon.JC