MANILA, Philippines – PARE-PAREHONG nahaharap sa patung-patong na kaso sa Pasay City Prosecutors Office ang dalawang Chinese nationals at isang Pinoy na sangkot sa road rage na kalaunan ay lumitaw na carnapping incident.
Sa pakikipag-ugnayan ng Remate News Central sa tanggapan ni
PCol Samuel B Pabonita, COP, at Pasay CPS Action Officer PCapt. Mark Jun Anaviso, Chief, kinilala ang tatlong suspek na agad ding inaresto na sina Xiaolei (lalaki, 40 yo),at Wang (lalaki, 31yo), na kapwa Chinese nationals, at isang alyas Redentor na Filipino security driver.
Nauna rito ay inakala ng nagrespondeng mga police personnel ng Substation 1 ng Pasay City Police Station (CPS), TMRU at SWAT team sa crime scene na road rage ang insidente na sangkot ang barilan dakong 3:00 madaling araw ng September 21, 2024, sa panulukan ng Roxas Boulevard at Sen. Gil Puyat Avenue, sakop ng Barangay 76, Pasay City.
Sa mas malalimang imbestigasyon, lumabas na nag-test drive ang Chinese national sa bibilhing BMW di umano pero hindi na ibinalik sa Chinese na may-ari nito; kaya ng makita ng tunay na may-ari ay binuntutan sakay ng Honda Odyssey na ipinangbangga sa puwitan ng BMW.
Itinanggi naman ni Redentor na nakipagpalitan sila ng putok sa bili-tangay scammer na Chinese.
Nakuha ng Pasay CPS Scene of the Crime Operation (SOCO) team at IDMS investigators sa crime scene ang mga sumusunod:
• 8 fired cartridge cases ng 9mm firearm
• 5 live rounds 9mm ammunition
•1 deformed bullet
• 2 metal jackets
• 1 BMW 538 D at Honda Odyssey
• Assorted plate numbers
• 1 TARA 9mm pistol at 1 GIRSAN 9mm pistol na may magazine at 16 rounds ng ammunition
•1 airsoft M4 rifle na may magazine
• 2 knives, assorted designer bags, wallets, cheque, at identification cards
• ₱2,050.00 na cash money, key chains na may assorted na mga susi, at isang iPhone
Ang mga arestadong suspek ay nahaharap sa paglabag sa Republic Act 10591, mas kilalang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, alarma and scandal, at reckless imprudence resulting to damage of property. (Dave Baluyot)