Home ENTERTAINMENT Chito, may mensahe kay Neri!

Chito, may mensahe kay Neri!

Manila, Philippines – Ilang linggo makaraang pansamantalang makalaya, nakatanggap si Neri Naig na makaantig-damdaming “pakunsuwelo” mula sa kanyang mister na si Chito Miranda.

Sa kanyang Instagram ipinost ni Chito ang kanyang pagbati sa tinawag niyang “Ms. Neri.”

‘Yun kasi ang araw na ipinagdiriwang nila ang kanilang 10th wedding anniversary.

Post ni Chito, masuwerte raw ang kanilang mga anak na nabiyayaan ang mga ito ng inang tulad ni Neri.

More than ever din daw ay masasabi ni Chito na mas mahal niya ang kanyang misis ngayon kaysa dati.

Pagmamalaki pa ng musikero, si Neri raw ay living proof o buhay na patotoo “who has gone through hell and back yet chosen to be kind.”

Ipinangako rin ni Chito na: “I will always love you, take care of you and protect you…”

Hiniram din niya ang pangako ng mga karaniwang ikinakasal na magsasama sa hirap o ginhawa, for richer or for poorer “till death do us part.”

Chito’s heartfelt anniversary message came two weeks after his wite was temporarily released on bail.

Matatandaang nahaharap si Neri sa 14 counts ng paglabag sa Securities Regulation Code at syndicated estafa.

Nakasuhan man ay nanindigan si Chito na walang nilokong tao ang kanyang asawa.

Endorser lang kasi ng Dermacare si Nèri.

Naudlot ang unang napaulat na posibleng magdiwang ng Pasko si Neri sa loob dahil nakalaya na nga ito.

Hindi sila nagkakalayo ng kalagayan ni Rufa Mae Quinto who’s likewise a Dermacare endorser, only that the latter’s marriage to Trevor Magallanes is on the brink of falling of falling apart. Ronnie Carrasco III