MANILA, Philippines- Bumoto ang Pilipinas pabor sa United Nations General Assembly (UNGA) resolution na nagbabawal sa death penalty sa buong mundo.
Kabilang ang Pilipinas sa 130 bansa na pumabor sa global moratorium sa death penalty; habang ang 32 ang tumutol dito.
Nag-abstain naman ang 22 bansa sa pagboto.
Naghayag ng pagkabahala ang resolusyon sa patuloy na aplikasyon ng death penalty at pinagtibay ang karapatan ng lahat ng bansa na bumuo ng sarili nilang legal systems, kabilang ang pagtukoy sa kaukulang legal penalties, alinsunod sa kanilang international law obligations.
Nanawagan din ito sa lahat ng bansa na magtalaga ng moratorium sa pagbitay, na may layuning buwagin ang death penalty, maging “recalled duty of states,” sa kabila ng kanilang political, economic at cultural systems, upang isulong at protektahan ang human rights at fundamental freedoms.
Mas marami ring bansa ang nakiisa sa panawagan, kung saan bumoto pabor ang Antigua and Barbuda, Kenya, Morocco, at Zambia sa unang pagkakataon.RNT/SA