Home ENTERTAINMENT Chito, nawalan ng boses, itinuloy ang gig!

Chito, nawalan ng boses, itinuloy ang gig!

Manila, Philippines – Pinangatawanan ni Chito Miranda ang kasabihang: “The show must go on.”

Sa pagiging real pro mas lalong hinangaan ang Parokya ni Edgar vocalist sa kabila ng kawalan ng boses sa latter part ng kanilang provincial gig.

February 1 nang magtanghal si Chito with Kamikazee band members Jay and Bords sa Alpas, La Union.

Para umabot ang kanilang gig nang dalawang oras, it must be a well-staged performance.

Pero sa kung anong dahilan, sa dakong bahagi ng pagtatanghal ay “hindi nakisama” ang boses ni Chito.

He suddenly lost his voice.

To the rescue naman agad si Jay ng KMKZ band.

Nahimasmasan si Chito when told na: “Okey lang ‘yan, Chits…hindi naman tayo sikat, eh. Mahusay lang tayo kasi masaya lang tayo!”

Dahil doon, na-enlighten daw si Chito na nagsabing: “Kahit ungas ‘yan (referring to Jay), may sense din ‘yan!”

So hayun, itinuloy pa rin ni Chito ang pagkanta mereseng dusa sa kawalan ng boses.

No wonder kung bakit mabenta sa mga gig si Chito.

Bukod sa nag-enjoy ang mga taga-Alpas, La Union sa jamming ay napagtanto nila na ganoon ka-professional ang Parokya ni Edgar vocalist. Ronnie Carrasco IIi