Manila, Philippines – Naremedyuhan ni Yasmen Kurdi ang kaso ng kanyang anak sa pinapasukan nitong paaralan.
Hindi na in-enroll doon ang anak na si Ayesha.
Home schooling na ito sa ilalim ng Seibo College Foundation.
Nagpasalamat naman si Yasmien sa isang high school teacher ni Ayesha at principal ng paaralan sa suporta ng mga ito.
Maging ilang pari na nasa likod ng ipinaglalaban ni Yasmien ay tinatanawan din niya ng utang na loob.
Matatandaang December noong isang taon nang ireklamo ni Ayesha ang isang grupo ng kanyang mga kaeskuwela dahil umano sa pambu-bully nito sa kanya.
Ayon sa kuwento ni Ayesha sa kanyang ina, pinalibutan daw siya ng mga ito at tinanong kung bakit hindi siya sumasagot tungkol sa paghahanda nila ng Christmas party.
Umabot sa puntong kinailangan na ni Yasmien na idulog ang kaso ng anak sa DepEd.
Itinanggi naman ng pamunuan ng paaralan ang paratang ni Yasmien.
Sa halip ay pinagsabihan pa siyang huwag idaan sa social media ang dapat sana’y usaping pampaaralan lang.
Ngayon, kampante na si Yasmien para sa anak na hindi na makakaranas ng pambu-bully ng kanyang mga kaklase. Ronnie Carrasco IIi