Home ENTERTAINMENT Chiz and Heart, to renew vows!

Chiz and Heart, to renew vows!

Manila, Philippines – For as long as two people stay in love with each other, they can marry every year.

Ito ang paniniwala ni Senator Chiz Escudero nang kapanayamin ni Karen Davila for Headstart on ANC.

Sa ngayon, siyam na taon nang mag-asawa sina Chiz at Heart Evangelista.

Taong 2015 when they exchanged I do’s on Balesin Island.

Bakit nga ba naisipan ng mag-asawa na i-renew ang kanilang vows on their ninth year?

Chiz said he’s taking a cue from his friends.

“Because of the so-called seven-year itch, I have friends who renew their vows on the fifth year, some on the seventh year.”

Pero ang katotohanan daw, kapag lubos daw na nagmamahalan ang mag-asawa ay okey lang magkaroon ng renewal of vows taun-taon.

Chiz and Heart are renewing their vows on February 15, isang araw matapos ang kaarawan ng socialite actress.

Pagdya-justify pa ng mambabatas: “We have a lot to celebrate which the public needs to know.”

Kabilang daw sa ipagdiriwang nila ay ang magandang takbo ng kanilang pagsasama and their family in general.

“Actually, it’s not all about me but the two of us and about Heart,” paglilinaw pa ni Chiz.

Matatandaang minsan nang nabahiran ng intriga ang kanilang pagsasama noong 2022.

Heart and Chiz’s marriage was reported to be on the brink of collapse, na napatunayan ding walang katotohanan.

Anila, normal lang daw sa mga mag-asawa na dumadaan sa mga pagsubok. Ronnie Carrasco III

Previous articleVP Sara sa pagkakadawit sa Oplan Tokhang sa Davao City: Bago ang script na ito
Next articleMga Pinoy sa Alaska apektado ng matinding snowfall