Home NATIONWIDE Mga Pinoy sa Alaska apektado ng matinding snowfall

Mga Pinoy sa Alaska apektado ng matinding snowfall

MANILA, Philippines- Libo-libong Pilipino ang apektado ng record-breaking snow at matinding lamig na kasalukuyang nararanasan sa Alaska.

Ayon sa National Weather Service, mahigit 100 pulgada ng niyebe ang bumalot sa malaking bahagi ng Anchorage, kung saan maraming naninirahang Pilipino.

Samantala, inaasahan naman ng National Weather Station sa Anchorage, Alaska na mas lalakas pa ang snowfall sa mga susunod na araw at nagbabala sa publiko ukol sa matinding lamig.

Mayroong halos 200 Pilipinong guro na nagtuturo sa Alaska, habang mahigit 25,000 Filipinos at Filipino-Americans ang naninirahan doon, ayon sa United States Census Bureau.

Binabantayan naman ng Philippine Consulate sa San Francisco, California ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Alaska na saklaw nito. RNT/SA