
MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila ang mga motorista hinggil sa pagsasara ng ilang kalsada sa darating na Sabado at Linggo, Pebrero 3 at 4, dahil sa gaganaping RUN 2024.
Nabatid na ang RUN 2024 ay isang aktibidad na inorganisa ng mga Business Private Sector kung saan tatlong lugar sa bansa mula sa Maynila, Cagayan de Oro, at Iloilo ang lalahok at dadaluhan ng halos 40, 000 katao.
Batay sa inilabas na abiso ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila, pansamantalang isasara ang nasa higit 10 pangunahing kalsada na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang Katigbak Drive
Katigbak Drive at South Drive
Roxas Blvd. mula Katigbak Drive hanggang Pres. Quirino Ave.
Ma. Orosa St. mula Gen. Luna (Gate) hanggang Kalaw Ave.
Finance Rd. mula P. Burgos Ave. hanggang Taft Ave.
East at West bound lane ng P. Burgos mula Taft Ave. hanggang R. Blvd
Muralla St. mula sa Sta. Lucia St. hanggang Gen. Luna St.
Binondo-Intramuros bridge mula Muelle Dela Industria hanggang A. Soriano Ave.
Gen. Luna St. mula Muralla St. hanggang Real St.
Real St. mula sa Sta. Lucia hanggang Solana St.
Victoria St. mula Gen. Luna St. hanggang Solana St.
Solana St. mula Victoria St hanggang A. Soriano Ave.