MANILA, Philippines – Iniulat ni Senate President Francis “Chiz” G. Escudero ang maraming bilang ng naipasang panukala ng Senado sa unang 100 araw sa panunungkulan kasabay ng pangakong buburahin anumang backlog ng mga nakahain na batas sa kanyang pamumuno sa Senado.
Sa pahayag, sinabi ni Escudero na umabot sa 137 panukalang batas ang inaprubahan ng Senado, 62 ang may national application at 75 naman ay local concern, sa loob ng 26 sessions days mula nang magtipon noong Hulyo 22.
“It’s a scoreboard we can be truly proud of,” pahayag ni Escudero.
Pinuri naman ni Escudero ang kapwa senador at mga empleyado ng Senado dahil sa kanilang kasipagan at inisyatiba, gayundin ang paglalagay ng partikular na pagtuon sa batas na makakatulong para mapasimple ang proseso ng pamamahala, mapasigla ang buhay ng Filipino, mapabuti ang ekonomiya at mapatatag ang soberenya ng bansa.
“Hindi lang imbestigasyon kundi sa pagpapanday ng batas. These probes make for good TV, but much of my colleagues’ work are actually done outside the glare of cameras,” ayon sa Senate President.
Sa mga panukalang inaprubahan sa Senado sa ilalim ng kanyang liderato, 13 ang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para maging batas at marami pang ang ang naghihintay sa presidential desk para sa pirma ng Chief Executive.
Ayon kay Escudero, ang natitirang priority bills ay nasa “advanced stages of discussion” at aaprubahan sa pagpapatuloy ng sesyon ng Kongreso sa unang bahagi ng Nobyembre.
Magsisimula ang recess ng dalawang sangay ng Kongreso sa susunod na linggo upang bigyang daan ang paghahain ng kandidatura ng kanilang miyembro para sa May 2025 election.
Gagamitin din ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang bakasyon para sa pagpapa-imprenta naman ng inaprubahang bersyon ng national budget sa susunod na taon.
Magiging prayoridad ng senador ang pagtalakay ng government spending plan para sa taong 2025 kapag nagpatuloy ang sesyon sa Nobyembre 4.
“Our target is to pass the budget early to give the President ample time to review it,” sabi pa ni Escudero.
Aniya, marami pa sanang nagawang batas ang Senado kung hindi lang naapektuhan ng bagyo ang kanilang mga trabaho.
“Mga isang linggo rin na session days ang naanod dahil sa bagyo at baha,“ ani Escudero.
Ngayong 23 na lang miyembro ng Senado matapos maitalaga si Senador Sonny Angara bilang Education Secretary, sinabi ni Esucero na sanay na ang Senado sa ‘multitask’ at kayang pagsabayin ang pagtalakay sa national budget at mga panukalang sinertipakahan bilang ‘urgent’ ng Pangulo.
Kabilang sa mga panukalang naipasa ng Senado ay ang 12 priority bills ng administrasyong Marcos ang Magna Carta of Filipino Seafarers na lang kamakailan ng Pangulo, ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy o CREATE MORE, Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act, the Philippine Maritime Zones Act, Philippine Archipelagic Sea Lanes Act, Academic Recovery and Accessible Learning Act, VAT on Digital Services, at ang Enterprise-Based Education and Training Framework Act.
Samantala, nakatakda naman talakayin sa bicameral conference committee ang pag-amiyenda sa Agricultural Tariffication Act, Blue Economy Act, at Universal Health Care Act.
Upang matiyak na hindi magagambala ang budget deliberation, nakipagkasundo si Escudero sa Philippine International Convention Center para sa paggamit ng kanilang function room para sa pagsagawa ng iba pang pagdinig ng iba’t ibang komite, bilang bahagi ng oversight function ng Senado para masiguro ang check and balance sa pamahalaan.
Sa ilalim ng liderato ni Escudero, inilunsad din ng Senado ang Senate Assist online platform na naglalayong gawing simple ang access sa medical at social assistance program ng mga senador, sa pakikipagtulungan ng mga ahensiya ng gobyerno, public health institutions at ng pribadong sektor.
Sinimulan ng Senate Spouses Foundation, Inc., na pinamumunuan ni Heart Evangelista-Escudero, ang Senate Assist portal ay papayagan ang mga indibidwal na nangangailangan ng tulong na magsumite ng kanilang request 24/7 saan mang lugar sa bansa.
“We have around 41 session days left before the end of the 19th Congress. We’re looking at passing as many of the priority bills of the President as possible with the little time left on our calendar. Many of these are already in the advanced stages of the legislative process. Rest assured the Senate will work overtime to pass these measures,” sabi ni Escudero.
Samantala, ang mga priority bills na nakaabang para sa second reading ay ang mga sumusunod: