Home NATIONWIDE Chiz sa viral video ng First Lady sa Vin d’honneur sa pang-aagaw...

Chiz sa viral video ng First Lady sa Vin d’honneur sa pang-aagaw ng baso: ‘I was being a gentleman’

MANILA, Philippines – Tila ipinagkibit-balikat lamang ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang itinuturing na pambabastos ni First Lady Liza Marcos sa kanya nang agawa nito ang baso ng kanyang alak sa ginanap na Vin d’Honneur para sa 126th Anniversary of Philippine Independence sa Malacañang Palace.

Sa pahayag, sinabi ni Escudero na “I consider waiting on a lady (first or otherwise) to be gentlemanly,” hinggil sa viral video na nakapost sa X (dating Twitter).

“Maaaring sabihin ng iba na maka-luma o parang ‘under’ pero para sa’kin, hindi kailanman magiging maka-luma o di uso, ano man ang itawag ng iba, ang pagiging maginoo at pakikipag-kapwa tao,” dagdag niya.

Kasama sa tila nakakita ng insidente sina President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Speaker Martin Romualdez, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, at Executive Secretary Lucas Bersamin,

Mahigit 84 diplomatiko ang dumalo sa naturang event. Ernie Reyes