Home ENTERTAINMENT Chloe, rumesbak kay Ai Ai!

Chloe, rumesbak kay Ai Ai!

Manila, Philippines – Patunay na hindi appreciated ni Chloe San Jose ang unsolicited advice sa kanya ni Ai Ai de las Alas on her dealings with the Yulo matriarch ay ang pagresbak nito sa kanyang Facebook account.

Chloe took a swipe at the Comedy Queen two months after the latter shared her pieces of advice kung paanong dapat pakitunguhan nito si Angelica, ang ina ng kanyang nobyong si Carlos.

Iginiit kasi ni Ai Ai na hindi dapat inaaway ni Chloe si Angelica dahil magulang ito ng kanyang nobyo: “Hindi ka pa asawa, girlfriend ka pa lang, darling!”

Aware kasi si Ai Ai sa namamagitang parunggitan nina Angelica at Chloe sa social media.

Pinalala pa ito ng nagkakaisang opinyon ng mga netizens na nagsasabing inilalayo ni Chloe ang loob ni Carlos sa kanyang pamilya.

Of late, obyus na nakasilip ng butas si Chloe para gumanti kay Ai Ai.

Ito’y isang araw matapos kumpirmahin mismo ni Ai Ai na hiwalay na sila ng asawa of 10 years na si Gerald Sibayan.

Post ni Chloe sa Facebook: “Back to you, Mamang! Hindi ito para pagtawanan ka dahil sa sitwasyon mo…pero ang ginagawa mo sa iba, babalik sa iyo 10x. It’s the universe’s law!”

llang netizens naman ang diskumpyado kung post nga ba ‘yon ni Chloe.

Checking on her account, may “blue check” naman daw ang profile nito.

Ibig sabihi’y isa itong verified account.

Pero lately daw ay walang mga posts si Chloe sa FB, prompting other netizens na posibleng gawa-gawa ‘yon ng isang poser.

Habang sinusulat ito’y wala pang reaksyon si Chloe sa social media.

Neither Ai Ai has issued any reaction to Chloe’s alleged post. Ronnie Carrasco IIi