Home HOME BANNER STORY Chongqing-Manila direct flights, inilunsad – Chinese embassy

Chongqing-Manila direct flights, inilunsad – Chinese embassy

201
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Chinese Embassy sa Philippines ang paglulunsad ng direktang biyahe mula Manila papuntang Chongqing sa China, na ngayon ay trending sa social media dahil sa tinaguriang vertical city nito.

Simula Mayo 1, magsasagawa ng direktang flights ang Air China, apat na beses kada linggo. Ayon sa embahada, layunin ng ruta na ito na magbigay ng “seamless and efficient travel experience” para sa mga manlalakbay sa pagitan ng China at Pilipinas.

Flight schedule:

–CA481 Chongqing–Manila: Departure 21:00, Arrival 00:50+ (local time), tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes, at Sabado.

–CA482 Manila–Chongqing: Departure 01:50, Arrival 05:40 (local time), tuwing Martes, Huwebes, Sabado, at Linggo.

Ayon sa embahada, makikinabang ang mga pasahero mula sa Southwest China sa direktang access sa Manila at madaling koneksyon sa mga popular na destinasyon sa Pilipinas tulad ng Boracay at Cebu.

“Para sa mga Filipino travelers, ang ruta ay nagbubukas ng direktang daan para tuklasin ang iconic 8D city landscapes ng Chongqing at iba pang pangunahing destinasyon sa Western China,” sabi ng embahada.

Inaasahan rin na ang biyahe ay magpapalakas ng kooperasyong pang-ekonomiya at palitan ng kultura sa pagitan ng Western China at Pilipinas, na magpapatibay sa bilateral ties at magbibigay ng oportunidad sa turismo at kalakalan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here