MANILA, Philippines – Posibleng ang nakaraan at nag-iisang panalo ng Pilipinas laban sa Tsina sa 2023 FIBA World Cup nitong Sabado ay ang huli na ring pag-coach ni Chot Reyes sa pambato ng bansa.
Nanalo ang Gilas laban sa China, 96-75, sa classification round para tapusin ang kanilang kampanya sa World Cup.
Sinabi ni Reyes na una niyang sinabi ang balita kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio bago ang laban nila sa China sa Smart Araneta Coliseum.
“Through all the preparations and through all these times, I always said that ‘judge us in the World Cup’, regardless of what happened from the time I was appointed to today,” ani Reyes sa post-game conference.
“And obviously hindi kami nag-perform and like I said in the last game, I take full accountability. And because of that I think it’s time for me to step aside,” aniya pa.
Si Reyes ay muling hinawakan ang pambansang koponan noong Enero 2022 matapos bumaba sa pwesto si Tab Baldwin para tumutok sa Ateneo de Manila Blue Eagles. RNT