Home METRO Bustos dam sa Bulacan tuloy sa pagpapakawala ng tubig

Bustos dam sa Bulacan tuloy sa pagpapakawala ng tubig

MANILA, Philippines – Patuloy ang pagpapakawala ng tubig ng Bustos Dam sa Bulacan bunsod ng nararanasang pag-ulan dahil sa pinalakas na habagat at sa bagyong Hanna.

Nagsimulang magpakawala ng sobrang tubig ang Bustos Dam noong Miyerkules. Tatlong sluice gate ang binuksan nang tumama ang lebel ng tubig sa 17.10 metro hanggang alas-12 ng gabi, malapit sa 17.36-meter spilling level.

Gayundin, ang mga floodgate sa Ipo, Ambuklao, at Binga dam ay bukas noong Sabado ng umaga upang magpalabas ng tubig pagkatapos ng mga araw ng malakas na pag-ulan, ayon sa datos ng PAGASA.

Samantala, ilang lugar sa Hagonoy, Bulacan, ang binaha dahil sa malakas na pag-ulan at pagtaas ng tubig. RNT