PASOK na si dating Ateneo de Manila University standout Chris Koon bilang pinakabagong miyembro ng Strong Group Athletics na sasabak sa darating na 34th Dubai International Basketball Championship.
Gaganapin ang torneo sa Dubai mula Enero 24 hanggang Pebrero 2, 2025.
Si Koon, isang 6-foot-5 guard, ay naglaro ng kanyang huling collegiate season sa UAAP Season 87, kung saan nakapagtala siya ng average na 7.58 puntos, 4.17 rebounds, at 1.83 assists bawat laro. Ang pagsali niya sa Strong Group ay hudyat ng simula ng kanyang professional basketball career.
Ayon kay Strong Group head coach Charles Tiu, magiging mahalagang role player si Koon para sa sa koponan.
Sa pagpasok ni Koon, kumpleto na ang Strong Group Athletics team na binubuo ng mga lokal at internasyonal na talento.
Kasama rin sa koponan sina Mikey Williams, Rhenz Abando, Dave Ildefonso, Jason Brickman, Angelo Kouame, Andray Blatche, NCAA MVP Allen Liwag, Tony Ynot, at Justine Sanchez.
Pinalalakas pa ang lineup ng mga American imports na sina DeMarcus Cousins, Malachi Richardson, at Terry Larrier.
Noong nakaraang taon, nagtapos ang Strong Group bilang runner-up matapos matalo sa Al-Riyadi sa final. GP