Home NATIONWIDE 2.3M balota para sa BARMM poll gagawan ng paraan na ‘di masayang

2.3M balota para sa BARMM poll gagawan ng paraan na ‘di masayang

MANILA, Philippines – Naghahanap ng paraan ang Commission on Elections (Comelec) upang makatipid mula pagkasira ng humigit-kumulang 2.3 milyong balota na gagamitin para sa kauna-unahang Bangsamoro Parliament election.

Ito ayon kay Comelec Chairman George Garcia nitong Huwebes na humigit-kumulang anim na milyong balota kabilang ang para sa darating na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM) polls—ay nakatakdang itapon dahil sa mga pagsasaayos na dulot ng desisyon ng Supreme Court (SC).

Ang bawat balota ay nagkakahalaga ng P22 bawat isa, at ang pagkasira ng anim na milyong balota na nagkakahalaga g P132 milyon, ani Garcia.

Hinarang ng SC nitong Miyerkules ang hakbang ng Comelec na ideklara si Subair Guinthum Mustapha bilang isang nuisance candidate, na nangangahulugang dapat isama ng poll body ang kanyang pangalan sa listahan ng mga kandidato para senador.

Ang pag-imprenta ng mga ablota para sa local at absentee voters gayundin para sa BARMM parliamentary elections ay nagsimula na noong Enero 6 ngunit itinigil dahil sa desisyon ng Korte Suprema.

Ang mga balota para sa local at absentee voters ay naglalaman lamang ng mga kandidato para sa national posts kabilang amg mga senador na kinakailangan ang pagsira nito upang maisama ang pangalan ni Mustafa alinsunod sa direktiba ng SC.

Naglalaman naman ng 109 parliamnetary aspiranta ang BARMM election ballots para sa 65 parliamnetary dstrict seats kaya ang desisyon ng korte ay hindi nakakaapekto.

Gayunman, sinabi ni Garcia na ang bawat balota kabilang ang sa BARMM elections ay “serialized”.

Sinabi ni Garcia na hinihintay nila ang rekomendasyon ng Coemelc information and tecchnology o IT department kung ang mga balota na ito ay mapapanatili o hindi.

Nakatakdang magsagawa ng kauna-unahaang parliamentary elections kaasabay ng May 12 midterm elections. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)