Home NATIONWIDE Civil society, hinikayat ni Kiko kumilos na sa grassroots organizing sa 2028...

Civil society, hinikayat ni Kiko kumilos na sa grassroots organizing sa 2028 polls

1
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa civil society organization na palakasinang grassroots organizing at labanan ang disinformation kahit wala pa ng 2028 election saka nagbabala laban sa kawalan ng pag-asa at pagkahati-hati na ikinakalat ng “ferarmongers” at “crisis manufacturers.”

Sa kanyang  keynote speech sa 2026 Social Development Celebration of the Caucus of Development NGO Networks (CODE-NGO) nitong Lunes, June 29, 2026, sa Quezon City, ipinaalala ng senador sa civil society groups na mayroon silang mahalagang papel upang palakasin ang mamamayan sa gitna ng fake news, disinformation at brainwashing.

Aniya, malaki ang epekto ang operasyon nito sa kinabukasan habang papalapit ang 2028 elections.

“Dalawang taon na lang bago ang presidential elections. Hindi lang ito laban para sa mga posisyon. Laban ito para sa kaluluwa ng ating bansa. This is a struggle and a fight for the soul of our nation,” aniya.

“Kaya ang tungkulin natin ay hindi lang magsabi ng totoo. Ang mas mahalaga: gisingin natin ang mga kapwa natin mamamayan sa sarili nating lakas. Ipaalala na nasa atin ang kapangyarihan. Na may boses tayo. Na tayo mismo ang liligtas sa ating sarili,” dagdag ni Pangilinan, pawang student-activist sa panahon ng Batas Militar.

Naalala ng senador ang tatlong eleksiyon na pagkatalo sa halalan mula noong 2016, 2019 at 2022 na kundi sa civil society, cooperatives at ordinaryong mamamayang na gumagamit ng katotohanan, pagkakaisa, lakas ng loob at pagtitiyaga para manalo nitong 2025.

Kaya’t nanawagan siya na lumikha ng momentum sa mga pagkapanalong ito para sa 2028 elections.

“Let us be fierce in hope. Let us be relentless in organizing… Let us turn grief into solidarity, anger into purpose, and frustration into an unstoppable movement,” ayon sa senador saka hinikayat ang   #LakasLokal campaign network na maging tunay na puwersa sa barangay, kooperatiba at coastal at upland communities

Ang CODE-NGO ay isang ational network ng non-government organizations na matagal nang aktibo sa apg-oorganisa sa komunidad at paglahok sa demokrasya sa Pilipinas. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here