Home NATIONWIDE Civilian-military junta dinenay ni Remulla

Civilian-military junta dinenay ni Remulla

261
0

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Interior Secretary Jonvic Remulla ang mga kumakalat na balita tungkol sa pagtatatag ng civilian–military junta, at sinabi niyang may ganap na kaalaman ang gobyerno sa mga nagtatangkang mag-recruit ng personalidad para sa tinaguriang “alternative government.”

“Not happening,” ani Remulla sa isang panayam nitong Martes.

Dagdag pa niya, ang ganitong pagtatangka “have never been absent from the Philippines… So, it’s always been present in our system,” na tumutukoy sa isang senador na tumangging sumali.

Habang nananawagan ng pagbabantay, sinabi ni Remulla na hindi ito dapat ikabahala. “It is always a point of concern, but it’s not a point of panic… Unahin na namin ‘tong mga nasa floodgate kaysa tong ibang destabilizers.”

Tiniyak niya sa publiko na binabantayan ng mga yunit ng seguridad at intelihensiya ang sitwasyon. “We are on top of the situation. We know who are asking, who are the ones recruiting… We know the composition of those who want to form an alternative government.”

Binanggit ni Remulla na karamihan sa mga sangkot ay mga retirado o semi-active na politiko. “Mostly retired. Some semi-active politicians… Yung mahilig pa rin makialam pero hindi na sila elected.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here